Ang Mayabang na Pagong
Isang araw, isang pagong ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at uhaw. Dalawang ibon ang nakakita sa pagong na iyon. Tinulungan siya ng mga ibon na kumuha ng isang kahoy. Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit angkanilang tuka. Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang bibig. Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar.Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. “Tingnan ninyo! Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong.”Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao. “Kumusta na kayo?” sigaw niya.Dahil sa pagsasalita niya at pagbuka ng kanyang bibig, ang pagong ay nahulog.
No comments:
Post a Comment